-- Advertisements --
KALIBO, Aklan —- Naniniwala ang maraming mamamayan sa Amerika na muling tatakbo bilang pangulo ng Estados Unidos si dating President Donald Trump para sa 2024 elections.
Ngunit, ayon kay Bombo International Correspondent Dr. Gabriel Ortigoza ng California, USA na kumpara dati ay hindi na masyadong popular si Trump.
Maaring magiging mahigpit nitong karibal si Florida Governor Ron Desantis na tatakbong pangulo sa ilalim ng Republican party.
Sa ngayon ay inaabangan umano ng publiko ang ipapalabas na malaking anunsyo ni Trump sa Nobyembre 15.