-- Advertisements --
Todo-ensayo na ngayon si Filipino boxer Mark Magsayo para sa nalalapit na laban niya kay American boxer Brandon Figueroa.
Gaganapin sa Marso 4 sa California ang laban ng dalawa para sa WBC Interim featherweight championship.
Ang dating WBC featherweight king na si Magsayo ay huling lumaban noong Hulyo 2022 kung saan tinalo siya ni Rey Vargas ng Mexico sa pamamagitan ng split-decision.
Mayroong record si Magsayo na 24 panalo isang talo na mayroong 16 na knockouts habang si Figueroa ay mayroong 23 panalo isang talo na mayroong 18 knockouts.
Magiging undercard naman sa laban ng dalawa ang isa pang Pinoy boxer na si Jonas Sultan.
Makakaharap ni Sultan si dating IBF champion Javier Mendoza ng Mexico.