-- Advertisements --

Nabigo si Filipino boxer Mark Magsayo sa kaniyang WBC interim featherwieght fight laban kay Brandon Figueroa.

Nakuha ni Figueroa ang unanimous decision na panalo sa laban na ginanap sa Toyota Arena sa Ontario, California nitong Linggo.

Sa unang limang round ng laban ay nakikipagsabayan pa si Magsayo subalit pagdating ng mga huling round ay tila kinapos na ito.

Nabawasan pa siya ng puntos sa round 8 at 11 dahil sa pagkapit umano nito kay Figueroa.

Ito na ang pangalawang talo ni Magsayo na mayroong kabuuang record na 24 panalo, 2 talo at 16 knockouts habang si Figueroa ay mayroong 24 panalo, isang talo at isang draw na mayroong 18 knockouts.

Susunod na makakaharap ng American boxer si Rey Vargas ng Mexico para sa WBC title.