-- Advertisements --

Kapwa pasok sina WBC featherweight world champion Mark “Magnifico” Magsayo at si dating world champion Rey Vargas sa ginanap na official weigh-in, isang araw bago ang mandatory title clash ngayong Linggo na gaganapin sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

Parehong tumimbang ang dalawang unbeaten fighters sa 125.5 pounds na pasok sa 126 pound limit.

Nakataya ang korona ng 27-anyos na Pinoy boxer na unang dedepensahan ang featherweight title belt na una niyang nasungkit noong buwan ng Enero nang ma-upset ang boxing’s longest-reigning champion na si Gary Russell Jr.

Tiniyak ni Magsayo na magpapakitang gilas siya at hindi ibibigay ang korona na hawak niya sa magaganap na giyera sa itaas ng ring sa 12 rounds championship bout.

Batay sa kanilang boxing records si Magsayo ay hawak ang 24 wins at 16 dito ay via KOs habang ang Mexican challenger na si Vargas ay malinis din ang record na may 35 wins at meron ng 22 KOs.