-- Advertisements --

Hindi pa man laban ay nagkainitan na sina WBC featherweight world champion Mark “Magnifico” Magsayo (24-0, 16 KOs) at dating world champion Rey Vargas (35-0, 22 KOs).

Naganap ito sa kanilang harapan sa final press conference bago ang bakbakan nila sa Linggo sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

Kumpiyansang ipinamukha ni Magsayo na inaasahan niya na aatras si Vargas kapag natikman na ang malalakas niyang puwersa.

Bilang reaksiyon nangantiyaw naman si Vargas dahil daw sa sangkaterbang mga bodyguards na kasama ng Pinoy.

Samantala ngayong Sabado isasagawa naman ang official weigh-in bago ang harapan ng dalawang undefeated sa araw ng Linggo (Saturday in US).