-- Advertisements --

LAOAG CITY – Sugatan ang isang magsasaka matapos saksakin ng construction worker sa Brgy. Saludares sa bayan Dingras, Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima na si Leonard Vicente y Ostanio, 31, single, magsasaka.

Ang suspek naman au kinilala ng pulisya na si Edcel Corpuz y Foronda, 22-anyos, binata, construction worker.

Ayon kay Pol. Major Ryan Retotar, chief of Police ng PNP Dingras, nagkasama ang dalawa sa inuman sa dinaluhan nilang pagdiriwang.

Habang umiinom ay nagkaroon ng mainit na diskusyon sa pagitan ni Vicente at Corpuz. 

Sinabi ni Retotar na paalis na sana ang biktima nang habulin ito ng suspek at pinagsasaksak. 

Nagtamo ng sugat sa likod ang biktima, na dinala sa Dingras District Hospital, pero agad na inilipat sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa lungsod ng Batac.

Sa ngayon ay nanatili ang suspek sa kustodiya ng PNP Dingras.