-- Advertisements --

LAOAG CITY – Sugat sa ulo ang tinamo ng isang magsasaka matapos mabaril sa kanyang mismong tahanan Sitio Abkir, Barangay Suyo, Dingras.

Nakilala ang biktima na si Mr. Arthur Fernando, 37-anyos, may live-in partner at residente ng nasabing barangay.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Laoag, may mga indibidual na bumisita sa bahay ni Fernando kasama na dito ang kanyang pinagtataniman ng kamatis.

Nalaman na sa pagbalik nina Fernando sa kanilang bahay ay nag-usap pa ang mga ito ngunit pagkalippas ng ilang minuto ay biglang binaril ang biktima.

Agad itong naisugod sa Governor Roque Ablan Senior Memorial Hospital (GRASMH) ngunit nailipat sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMH&MC) sa lungsod ng Batac.

Samantala, ipinaalam ni Police Major Jephre Taccad, tagapagsalita ng llocos Norte Police Provincial Office (INPPO) na mayroon ng person of interest ang PNP-Dingras sa nangyaring insidente at posibleng kilala ito ng biktima.

Dagdag nito na ang nagamit sa pamamaril ay Caliber 22.