NAGA CITY – Patay ang isang magsasaka sa Camarines Sur matapos umamong barilin ng mga armadong lalaki sa bayan ng Caramoan.

Kinilala ang nasawi na si Ricky Priol, 39.

Batay sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office, anim na lalaki ang dumating sa babuyan kung nasaan ang biktima.

Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap ay binaril daw ng mga ito si Priol.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima at agad namatay.