-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – – Patay ang isang magsasaka sa secondary road ng Brgy. Binogawan, Kasibu, Nueva Vizcaya matapos akisdenteng mabangga ng isang SUV habang kinukumpuni ang kaniyang sasakyan.

Dinakip naman ang tsuper ng SUV na si Martin Cablinan, may asawa at residente ng Brgy. Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, lumabas sa imbestigasyon ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office na nakaidlip umano ang suspek nang mangyari ang aksidente

Ang magsasakang nasawi ay si Benjie Tul-o, 40 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Binogawan, Kaisubu, Nueva Vizcaya.

Nadamay din sa aksidente ang isang motorsiklo na minaneho ni Jun Ambonon, magsasaka at residente ng Bayan ng Kasibu.

Ayon sa pagsisiyasat ng mga awtoridad binabaybay ni Cablinan ang daan patungong Barangay Didipio habang nakahinto sa gilid ng kalsada ang dalawa pang sangkot na sasakyan

Nakaidlip umano si Cablinan na nagsanhi upang tuluyan nitong masalpok ang nakaparada van at motorsiklo sa gilid ng daan.

Nabangga ang biktima habang nagkukumpuni ng kanyang sasakyan.

Agad namang naitakbo sa pagamutan ang biktima ngunit dahil sa tinamong matinding injury sa katawan ay idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.