CENTRAL MINDANAO – Nagpatupad ng search warrant operation ang Midsayap PNP sa pamumuno ni Lt Col Miridel Calinga katuwang ang militar sa Brgy Agriculture, Midsayap, Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Danny Cabuyao, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy Agriculture.

Pinasok ng mga otoridad ang tahanan ni Cabuyao basi sa search warrant na inisyu ng korte.

Narekober ng pulisya sa kwarto ng suspek ang ilang pakete ng shabu at isang kalibre.45 na pistola.

Ngunit iginiit ni Cabuyao na hindi niya pag-aari ang droga at baril na nasamsam ng raiding team.

Sa ngayon ay nakapiit na sa costudial facility ng Midsayap PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunition.