ILOILO CITY – Apat na miyembro ng magpamilya ang sugatan matapos mabangga ng taxi ang kanilang sinasakyang multicab sa Infante flyover sa Molo, Iloilo City.

Ang multicab ay nanggaling sa Lambuyao Oton Iloilo at minamaneho ng ama na si Romie Quisido, 45-anyos, para sana sa nakagawiang “simbang gabi.”

Habang ang driver ng taxi ay si Felipe Moreles ng Jibato Dumarao Capiz.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Quisido, sinabi nito na nanggaling sila sa Oton kasama ang kanyang maybahay na si Doris Quisido na nag-iisang hindi nasugatan kung saan nakaupo ito sa frontseat.

Habang ang kanilang mga anak naman na sina Paul Christian Quisido, 21; Angel Rain Quisido, 18; at Rome Rainier, 15, ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Sa ngayon patuloy na ginagamot ang mga biktima sa ospital.