-- Advertisements --

Tinambakan ng Magnolia Chicken Timplados ang Rain or Shine Elasto Painters 118-87 sa kanilang paghaharap sa 2022 PBA Philippine Cup na ginaganap sa Araneta Coliseum.

Ito na ang pang-anim na magkakasunod na panalo ng Timplados.

Dahil sa panalo ay tabla na sila ng Barangay Ginebra sa ikatlong puwesto na mayroong pitong panalo at tatlong talo habang hindi na nakapasok ang Rain or Shine sa playoffs na mayroong apat na panalo at pitong talo na nasa pang-siyam na puwesto.

Pitong manlalaro ng Timplados ang nagtala ng double digits na pinangunahan ni Jerrick Ahanmisi na mayroong 19 points habang si Jio Jalalon na mayroong 16 points, 11 rebounds at 12 assists.

Nag-ambag naman ng 13 points si Calvin Abueva tig-12 points naman sina Ian Sangalang at Mark Barroca at tig 11 points din sina Paul Lee at Jackson Corpuz.