-- Advertisements --
Naitala na ng Magnolia Hotshots ang kanilang unang panalo matapos talunin ang Phoenix Super LPG 108-95 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup na ginanap sa Mall of Asia.
Bumida sa panalo ng Magnolia si Antonio Hester na nagtala ng 28 points, 12 rebounds at anim na assists.
Nagdagdag naman ng 19 points si Mark Barroca habang mayroong 18 points, 10 rebounds at limang assists si Calvin Abueva.
Mula sa simula ng laro ay hawak ng Magnolia ang kalamangan kung saan umabot pa ito sa 27 points.
Labis naman na ikinatuwa ni Hotshots coach Chito Victolero ang panalo ng koponan lalo na ang ginawang pagsusumikap ng kanilang import.