-- Advertisements --
Nakuha ng Magnolia Hotshots ang ikatlong sunod na panalo matapos na talunin ang NLEX 119-103 sa PBA Governors’s Cup sa Araneta Coliseum.
Nanguna sa panalo ang import na si Antonio Hester na mayroong 37 points at 15 rebounds habang mayroong 17 points, siyam na rebounds at 12 assists si Jio Jalanon.
Ibinahagi ni Magnolia coach Chito Victolero ang sekreto nila kung saan gumana ang adjustments ng kanilang depensa.
Nasayang naman ang nagawang 25 points ni NLEX import Wayne Selden.