-- Advertisements --

Maghaharap sa semifinals ng PBA Governors Cup ang Magnolia Hot shots at Meralco Bolts.

Tinambakan kasi ng Magnolia sa quarterfinals ang Phoenix Super LPG 127-88.

Hindi sinayang ng Hotshots ang kanilang bentahe ng twice-to-beat advantage sa nasabing laban.

Umabot pa sa 45 points ang naging kalamangan nila second half.

Nanguna sa panalo ng Magnolia si Paul Lee na nagtala ng 25 points at anim na rebounds habang mayroong double digits din ang mga kasamahan nito na sina import Mike Harris, Mark Barroca, Jio Jalalon, Ian Sangalang at Rome Dela Rosa.

Samantala, hindi na hinayaan ng Meralco Bolts na makahabol pa ang San Miguel Beermen 100-85.

Ito ang unang beses na makapasok ang Bolts sa semifinals ng 2021 PBA Governors Cup.

Lalong umarangkada ang Bolts pagpasok ng third quarters.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Chris Newsome na nagtala 22 points habang mayroong pitong puntos ang naitala ni Reynel Hugnatan at 8 points naman ang nagawa ni Raymond Almazan.