-- Advertisements --

Kumitil na ng 12 katao ang malakas na magnitudfe 6.3 na lindol na tumama sa northern Afghanistan kaninang umaga nitong Lunes, Nobiyembre 3.

Base sa US Geological Survey, tumama ang lindol sa Mazar-e-Sharif, ang tahanan sa kalahating milyong residente dakong ala-una ng madaling araw local time.

May lalim itong 28 kilometers at minarkahan na nasa orange alert level na nangangahulugang possible ang “significant casualties”.

Inaasahang tataas pa ang naturang bilang habang nagpapatuloy ang isinasagawang rescue operations.

Nag-iwan din ang malakas na pagyanig ng 180 katao na nasugatan. Ayon kay Taliban spokesman sa Balkh province na si Haji Zaid, marami sa mga nasugatan ay sa Sholgara district, sa timog ng Mazar-e-Sharif.

Nakatanggap aniya sila ng ulat na may mga nagtamo ng minor injuries at bahagyang pinsala mula sa lahat ng mga distrito ng probinsiya.

Karamihan sa mga nasugatan ay bunsod ng pagkahulog mula sa matataas na gusali.

Kabilang din sa napinsala ang isa sa pinakamagandang mosque ng bansa na Blue Mosque, kung saan isa ito sa architectural treasures ng Afghanistan at pinaka-pangunahing pinupuntahan ng mga pilgrimage na pinaniniwalaang himlayan ni Hazrat Ali, ang ikaapat na kalipa ng Islam at manugang na lalaki ni Propeta Mohammad.