-- Advertisements --

MANILA – Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental nitong araw.

Batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol dakong 10:02 ng umaga sa bahagi ng karagatan na sakop ng nasabing bayan.

“Tectonic” ang origin ng lindol, na may lalim na 113-kilometers.

Naramdaman ang Instrumental Intensity 1 sa Kiamba, Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, wala inaasahang pinsala ang lindol pero pinaghahanda pa rin ang mga residente sa posibleng aftershocks.

Nitong Sabado nang yanigin din ng 5.2-magnitude na lindol ang Davao Occidental.