-- Advertisements --
DAGUPAN CITY – Niyanig ng Magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Pangasinan nitong Biyernes ng hapon.
Naitala ang epicenter ng tectonic na lindol na naramdaman bandang alas-2:56 ng hapon, sa bayan ng Infanta.
Naramdaman ang Intensity III sa bayan ng Laoac at lungsod ng Dagupan.
Intensity IV naman sa Alaminos City.
Hindi naman inaasahan na magdudulot ng anumang pinsala ang lindol o maging ng aftershocks.