-- Advertisements --
378821975 627477932909508 6003225385293216094 n

Muling nakapagtala ng panibagong lindol ang Mindanao, dakong 8:44 kagabi.

Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naitala ang isang 4.2 magnitude na lindol sa Davao Occidental at may lalim na 106 kilometers.

Wala namang inaasahang damages at wala ding inaasahang aftershock ng naturang pagyanig.

Samantala, natukoy ang sentro ng lindol sa balut Islands sa Munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental.