-- Advertisements --

Lusot na sa House Committee on Overseas Workers Affairs ang panukala na titiyak sa karapatan at kapakanan ng mga manlalayag na Pilipino.

Layunin ng Magna Carta of Filipino Seafarrers na siguraduhing protektado ang mga manlalayan na Pilipino sa pamamagitan ng maayos na work conditions, patas na terms of employment at sapat na career opportunities.

Bukod sa pagpasa ng naturang panukala, tinalakay din ng komite ang update tungkol sa nangyaring insidente sa Gulf Livestock 1, cargo vessel na lumubog sa karagatan ng Japan, na may sakay na 39 Filipino seafarers.

Ayon kay Foreign Affairs SUsec. Sarah Arriola, sa ngayon ay mayroon lamang dalawang Pinoy na nakaligtas at isa ang namatay batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang DFA sa China, Japan at South Korea pati na rin sa United Arab Emirates para sa search and rescue operations sa natitira pang 36 na Pinoy.

Nakahanda naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tulungan ang mga apektadong pamilya ng mga manlalayag na ito.

Kasama na rito ang death at burial benefits, livelihood benefits, financial assistance at scholarship para sa mga may isang anak hanggang makatapos na ang mga ito sa pag-aaral.