Reading Time: 1 minute

KALIBO, Aklan – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya kasunod sa panloloob sa isang apartment sa Sitio Bantud, Barangay Manoc-manoc sa isla ng Boracay.

Batay sa report mula sa Malay Police Station, kinilala ang magkasintahang biktimang sina sina Francois James Armer at Beverly Jayne Harness, 41, kapwa British national at diver instructor sa naturang isla.

Nakuha mula sa mga biktima ang laptop na nagkakahalaga ng P40,000 at P7,000 cash money kabilang na ang iba pang gadgets na nakalagay sa isang bag.

Pinaniniwalaang nakapasok ang mga magnanakaw sa glass window at lumabas sa main door ng naturang apartment.