LAOAG CITY – Dead on the spot ang magkasintahan matapos ang nangyaring aksidente sa Brgy. Bil-loca sa lungsod ng Batac.
Kinilala ni PMaj. Dionisio Baldillo, ang deputy chief of police ng PNP-Batac ang mga biktima na sina Lord Belman Reyes, anyos-26 at kasintahan nito na si Henna Lorie Rosario, pawang mga residente ng San Juan, Ilocos Sur.
Sinabi ni Baldillo na base sa naisagawang imbestigasyon, matungo sa hilagang direksyon ang magkasintahan na nakasakay ng motorsiklo.
Ania, habang binabaybay ng mga ito ang kalsada ay biglang naghulog ang bag na nakalagay sa harapan ng motorsiklo dahilan upang mawala ang kontrol ng driver sa manibela.
Dahil dito, sinabi ni Baldillo na na-slide ang motorsiklo at parehong nabagok sa kalsada ang magkasintahan.
Aniya, matinding sugat sa ulo ang tinamo ng mga biktima at agad na namatay ang mga ito.
Ipinaalam ni Baldillo na nagtungo ang lalaki sa Ilocos Norte para magtrabaho kasama ang kanyang kasintahan.
Samantala, lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na mabilis ang takbo ng motorsiklo ng mangyari ang aksidente.