Magkasama nang maglalaro ang magkapatid na NBA players na sina Seth Curry at Stephen Curry matapos pumirma si Seth bilang free agent sa Golden State Warriors.
Ngayong taon ay ika-16 season na ni Stephen Curry sa GSW mula nang ma-draft siya noong 2009, kung saan nakamit na niya ang 4 na championships, 1 Finals MVP, at 2 Season MVP awards.
Samantala, ito naman ang ika-11 season ni Seth Curry, na huling naglaro para sa Charlotte Hornets kung saan nagtala siya ng average na 6.5 points, 1.7 rebounds, at 45.6% shooting mula sa 3-point line.
Ito na ang ika-23 pagkakataon sa NBA na may maglalarong magkapatid sa iisang koponan.
Para sa 2025–26 season, ang magkapatid na Curry ang magiging ikatlong tandem kasunod nina Giannis at Thanasis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks, at Franz at Moritz Wagner ng Orlando Magic.