-- Advertisements --
Nabigo sa women’s doubles ng US Open ang magkapatid na Serena at Venus Williams.
Tinalo sila ng doubles mula sa Czech Republic na sina Lucie Hradecka at Linda Noskova sa score na 7-6(5) at 6-4.
Ito ang unang pagkakataon na nabigo ang magkapatid sa doubles.
Huling natalos sila noong mahigit apat na taon sa French Open.
Sinabi ni Hradecka na nagulat siya ng talunin nila ang tinaguriang magagaling sa larangan ng tennis.
Dahil dito ay balik sa paglalaro ang dalawa sa singles kung saan makakaharap ni Serena sa third round ng US Open si Croatian-Austrialian tennis player Ajla Tomljanovic habang ang kapatid nitong si Venus ay balik sa first round.