CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pagbaril sa magkapatid na farm laborer sa Purok 2 Dagumbaan, Maramag, Bukidnon.

Ito a matapos walang habas na binaril si Joseph, 36, at Jesus Bodiongan, 34, parehong may asawa at residente sa Brgy Dagumbaan sa naturang lungsod.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital si Joseph dahil sa natamo nitong tama sa kilikili habang patuloy namang nagpapagaling si Jesus.

Naging palaisipan pa sa mga otoridad ang motibo sa krimen lalo na’t wala pang lumulutang na makapagtuturo sa pagkakakilanlan ng suspek.

Sinabi ni Master Sgt. Miller Jamela ng Maramag Municipal Police Station na nagpapatuloy pa rin ang kanilang ginagawang imbestigasyon sa pangyayari.