-- Advertisements --

Nagkasundo ang magkaaway na grupo sa Sudan ng panibagong 72 oras na pagpapalawig ng ceasefire.

Kapwa pumayag ang Sudanese army at paramilitary group na Rapid Support Force (RSF) ng dagdag na 72 oras na ceasefire dahil sa nagtapos na ang unang ceasefire na napagkasunduan nitong Abril 30.

Ang nasabing ceasefire ay base na rin sa tulong ng US para magkaroon ng pagkakataon ang ibang mga bansa na ilikas ang kanilang mamamayan palabas ng Sudan.
Umaasa ang Sudanese army na tatalima ang mga rebeldeng grupo.

Sa patuloy na kaguluhan sa Sudan ay tumaas ang bilang ng looting dahil sa kawalan ng makakain ng mga residente.

Aabot naman sa 1,000 na mga Americans ang nailikas ng US Government.

Ayon kay State Department Spokesman Matthew Miller na dinala ang mga inilikas nilang mamamyana sa Saudi Arabia.

Patuloy din ang ibang mga bansa sa paglilikas ng kani-kanilang mga mamamayan.