-- Advertisements --
Muling nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na maging maingat sa pagpo-post o pagbabahagi ng impormasyon sa social media.
Ang panawagan ay matapos mahuli ng PNP Anti-Cybercrime Group ang 143 indibidwal simula nitong taon, kabilang ang mga sikat na vlogger.
Ayon kay PNP-ACG director Maj. Gen. Sidney Hernia, dapat maging responsable ang mga netizen sa pagpo-post sa social media. Kung hindi, may mga legal ito na kahihinatnan.
Aniya, mag-isip bago mag-post, igalang ang privacy ng iba, turuan ang sarili sa online laws, humingi ng legal advice kung hindi sigurado, at patuloy na mag-contribute ng isang positive online culture.