-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Patay ang isang lalaki nang barilin ng kanyang manugang dahil lamang sa away sa lupa sa Barangay Monlaque, Ibajay, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Orlando Pines, 70, habang naka-hospital arrest naman ang manugang nitong si Jury Batoy, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa report, naganap ang insidente matapos sirain ng biktima ang bakod at tanim na sitaw ng suspek sa pinag-aagawang lupa.

Dahil dito, nagtungo ang dalawa sa barangay hall para ayusin ang hindi pagkakaunawaan.

Ngunit, habang pauwi umano biktima ay sinundan ito ng suspek at nagkainitan.

Sinasabing nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa bumunot ng armas na 12-gauge shotgun ang biktima.

Sa kabila ng tama sa kanyang bunganga, bumunot din siya ng baril at pinaputukan ang biyenan na tinamaan sa dibdib.

Namatay noon din ang matanda habang naisugod sa ospital ang manugang.