-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Magpapalabas ng tubig ang magat dam bukas, araw ng Linggo ganap na 2:00pm.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engineer Carlo Ablan, Acting Division Manager ng Dam and reservior ng NIA MARIIS ay magpapalabas ang Magat Dam ng 200cms na maaring madagdagan depende sa lakas ng ulan sa magat watershed sanhi ng nararanasang southwest monsoon.

Isang radial gate ang bubuksan na may taas na 1 meter.

Sa ngayon anya ay mayroong water elevation ang Magat dam na 188.73 meters na malapit nang maabot ang spilling level na 190 meters

Tuloy tuloy anya ang pagpasok ng tubig sa Magat dam dahil sa mga pag-ulan sa watershed areas.

Nagpaalala si Engineer Ablan na Iwasan muna ang pagtawid, Pamamalagi sa glilid ng ilog at pastol ng mga alagang hayup sa gilid ng mga ilog.