Naniniwala si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na ang magandang kalidad ng edukasyon ay isa sa mga susi upang labanan ang karahasan, extremism, diskriminasyon, racism, xenophobia, at iba pa na ilan sa mga suliraning kinakaharap ng Pilipinas sa panahon ngayon.
Ito ang binigyang-diin ng pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas kasabay ng pagdiriwang ng International Day of Education.
Sa isang statement ay binigyang-diin ni Gen. Brawner na kung walang access sa magandang kalidad ng edukasyon ay mananatiling vulnerable ang mga kabataan sa usaping may kaugnayan sa marahas na ideloyohiya.
Samantala, kasabay nito ay ang kaniyang panawagan sa bawat isang kasundaluhan ukol sa kahalagahan ng pagkatuto at pag-igihan pa ang kanilang pagtupad sa kanilang mga sinumpaang tungkulin.