-- Advertisements --
Hinikayat ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga local government units na paigtingin ang kanilang contact tracing efforts.
Ito ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Aminado ito na napabayaan ng ilang LGU ang contact tracing noong nakaraang mga buwan kaya ganun na lamang ang pagtaas ng kaso ngayon.
Bukod aniya sa kapabayaan ng i lang LGU ay nagkakaroon ng isyu minsan sa data collection system.
Pinuri naman nito ang ilang indibidwal sa pagbunyag na sila ay positibo sa COVID-19 sa publiko dahil mapapabilis na ang contact tracing.










