-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Inirekomenda na ng piskalya na sampahan ng kaso sa korte ang pamilyang Pagaspas na nauugnay sa online scam sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Ito’y matapos makitaan ng piskalya ng probable cause na sampahan ng syndicated estafa ang mga suspek na sina Pablito Pagaspas kasama ng kanyang asawa na si Rosalie Pagaspas at pati na rin ang kanilang anak na si Donie Pagaspas.

Sinabi ni National Bureau of Investigation Region 10 (NBI-10) agents head Atty. Alex Caburnay na nakatanggap na sila ng kopya ng motion for reconsideration ng kampo ng pamilyang Pagaspas may kaugnay sa rekomendasyon ng piskalya.

Nabatid na ang pamilyang Pagaspas ang kabilang sa mga tinuturong handlers sa online investment scam na nagsimula pa taong 2018 sa lungsod.