Cauayan City – Sa loob ng bilanguan mag diriwang ng araw ng mga puso ang magkasintahang kabilang sa drug watchlist ng pulisya matapos nahulihan ng humigit kumulkang isang kilo ng mga pinatuyong dahon ng Marijuana na nagmula Tabuk at tinglayan Kalingga, sa barangay Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang mga pinaghihinalaan ay sina Francisco Feliciano alyas Rasing, 25, tricycle driver, residente ng Zulueta Extension Purok 3, Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya at Christine Cassandra Dychitan,22, na residente naman ng Barangay Don Tomas Maddela, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj George Maribbay hepe ng Bayombong Police station sinabi niya na dinakip ang mga pinaghihinalaan matapos na maaktuhang nagtututlak ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isang PDEA agent na umaktong Poseur buyer.

Nakuha sa pagiingat ng mga pinaghihinalaan labinsiyam na piraso ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana, isang zipped lock plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang bote ng pinatuyong dahon ng Marijuana, tatlongdaang piso, dalawang cell phone, isang back pack at isang timbangan.

Ang mga pinaghihinalaan at mga ebidensiya ay agad na dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasiyon at disposisyon.

-- Advertisement --

Lumalabas na dati nang naaresto si Dychitan matapos namang magpuslit ng marijuana sa loob ng piitan noong 2018.