Reading Time: 1 minute

KORONADAL CITY – Nagpaabot na ng tulong ang Senator Ninoy Aquino (SNA) local government sa pamilya ng mag-inang inanod ng tubig-baha sa naturang lugar.

Una nang kinilala ang mga biktima na sina Ailyn Gogo, 46, at ang apat na taong gulang na anak na babae na si alyas Lady na pawang miyembro ng tribong Manobo.

Ayon sa SNA municipal disaster risk reduction and management council, tinatahak ng mag-ina ang Basag River sa Brgy. Poblacion nang inanod sila malakas na agos ng tubig.

Natagpuan naman ng rescue workers ang bangkay ng mga biktima kinahapunan.

Dahil dito inatasan ni SNA Mayor Randy Ecija Jr. ang mga barangay officials na i-monitor ang water level ng mga ilog upang maiwasang maulit ang nangyaring trahediya.

Kabilang sa mga naapektuhan ng tubig-baha ang Brgy. Poblacion sa naturang bayan dahil sa tubig-ulan mula sa mga kabundukan.