KALIBO, Aklan – Ibinida ng mag-asawa ang kanilang talento sa Latin American Dancesports Competition sa prestihiyosong British Blackpool Senior Latin Championships na nagsimula noong Mayo 23 hanggang 31, 2019 sa United Kingdom.

Kampeon ang mag-asawang Sergio Machon Jr., tubong Brgy. Calangcang, Makato, Aklan at Lina Basas ng lalawigan ng Capiz.

Kapwa sila produkto ng West Visayas State University (WVSU) sa Iloilo City.

Huling nakuha ng Pilipinas ang kampeonato sa naturang kompetisyon may 14 na taon na ang lumipas.

Ang Blackpool Dance Festival ay kauna-unahan sa buong mundo at bantog na taunang ballroom dance competition na nilalahukan ng iba’t ibang bansa.