Nicole Kidman
Nicole Kidman/ IG Post

Nagbigay ng $500,000 na donasyon si Australian-American actress Nicole Kidman at asawang kapwa Australian, country singer Keith Urban sa mga biktima ng wildfire sa Australia.

Idinaan ang nasabing donasyon sa local fire services ng lugar.

Kasabay ng pagbibigay nito ng donasyon ay ipinarating niya ang pagdarasal sa mga apektado ng bushfire.

Pinasalamatan din ng award winning actress ang sipag na ginagawa ng mga bumbero para maapula ang nasaibng sunog.