Barangay Malabago, Calasiao, Pangasinan- Pinangunahan ng mag asawang Danny Lising at Jing Parayno Lising na pawang membro ng Alpha Phi Omega, National Philippines Incorporated, Service Fraternity and Sorority ang pagpapakain ng libreng sopas sa kanilang mga ka-Barangay nitong April 29, 2021.
Sa katunayan ay matagal ng inumpisahan ang mga ganitong gawain mula noong mag umpisa ang pandemic ng nakaraang taon gaya ng pagbibigay ng bigas at itlog sa kanilang ka-Barangay.
Noong nakaraang buwan ay aroscaldo naman ang kanilang naisipan gawin at balak nila itong gawin buwan-buwan para ipakita ang suporta sa kanilang Barangay na sila ay nakiki-isa sa gobyerno na dapat sa panahon ng pandemya ay mas lalo sanang ipakita ng mga tao ang pagmamahal at malasakit sa bawat isa bilang Pilipino.
Ang mag asawang Lising ay kasalukuyan ngayong nasa United Kingdom at nagsisilbing mga nurse sa isang hospital at frontliners sa mga apektado ng covid19.
Sabi pa nila na kahit wala sila sa Pilipinas ay magagawa nila ito sa tulong ng kanilang mga kamag-anak sa Barangay Malabago.
Hangad nila na sa awa at tulong ng Panginoon ay makatulong sila sa kanilang Barangay kahit sa mumunting paraan tulad ng libreng sopas at iba pa na pwede nilang gawin at ipamigay sa hinaharap.
Hinihikayat din nila at nanawagan sa kanilang mga ka-Barangay na may kakahayan sa buhay at may mga mabuting kalooban na gawin ang pagka-kawanggawa bilang pagmamahal at malasakit sa kapwa tao lalo na ngayong krisis na dala ng nasabing sakit.
Pinaalalahan din ng mag asawa na huwag kalimotan sumunod sa pinatutupad ng IATF taskforce for covid19 sa tulong ng mga Barangay Officials na langing naka alalay sa kanila kapag may ganitong mga gawain na ugaliin ang pagsusuot ng facemask at faceshield para sa kanilang kaligtasan kapag pipila sa mga pinamimigay na sopas para maiwasan ang sakit.
Si Ginang Lising ay nag iwan ng mga kataga ayon sa Biblya na kanyang batayan sa paggawa ng mabuti sa kapwa at ito ay nasa
II Corinto 9:7 “Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.”
Ang kanilang adhikain na makatulong ay pagpapakita lamang na kung may pagmamahal sa kapwa ay walang imposibling gawin sa mata ng tao lalo na sa Panginoon.