Inanunsiyo ni Iya Villania ang kaniyang pagbubuntis sa ikatlong anak nila ng asawang si Drew Arellano.

Sa YouTube channel ng mag-asawa isinagawa nila ang nasabing masayang balita.

Sa nasabing video na kinuhanan noong December 25, 2019 ay makikitang binubuksan ng kanilang anak na si Primo, 3, at Alonzo, 1, ang mga regalo.

Ibinigay naman ni Iya ang pulang sobre sa 40-anyos na asawa na naglalaman ng sonogram na may petsa noong Disyembre 14 na nagsasabing buntis na ito.

Umaasa naman ang ina ng actress na babae na ang ikatlong anak ng dalawa.

-- Advertisement --

Nais naman ng dalawa na huwag munang alamin ang kasarian ng anak hanggang ito ay maisilang na .