CAUAYAN CITY- Namatay ang mag-asawang dadalo sana sa recognition rites ng anak na kawani ng BJMP matapos bumaliktad ang sinasakyang bus sa Barangay San Manuel, Naguillian, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Junniel Perez, hepe ng Naguilian Police Station, sinabi niya na Lima ang sakay ng naturang Victory Liner bus nang magnap ang aksidente kung saan dalawa sa limang pasahero ang idineklarang dead on arrival sa pagamutan habang ang tatlo pang pasahero ay nasugatan.
Ang nasawi ay ang mag-asawang Myrna Corpuz at Oliver Octavio Corpuz, kapwa residente ng Andres Bonifacio diffun Quirino.
Aniya, Galing ng Tuguegarao City ang mag-asawang Curpuz at dadalo sana sa recognition rites ng sa BJPM subalit dahil sa bagyong Florita ay hindi natuloy kaya nagpasya silang umuwi sa Quirino ngunit naganap ang aksidente na kanilang ikinasawi
Ang mga nasugatan ay sina Dominador Antolin III, residente ng Santiago City; Marvin Balinag, at Wilmer Dumo kapwa kasapi ng Philippine Army na residente ng bayan ng Angadanan.
Dahil sa madulas na daan na dulot ng bagyong Florita ay nawalan ng preso na nagsanhi ng aksidente.
Aniya, pinilit pa ni Rivera na kabigin pakaliwa ang malibela na nag resulta sa pag-ikot ng bus at bumangga pa sa poste ng ISELCO.