BUTUAN CITY – Patay ang dalawang katao sa Barangay Kinayan sa Barobo, Surigao del Sur, dahil sa umano’y paralytic shellfish poisoning.
Sinasabing ang mag-asawang Namoc ay kumain ng shellfish na galing sa Lianga Bay na may mataas na level ng red tide toxin.
Kinilala ni Police Chief Master Sergeant Luzvi Urbiztondo ng Barobo Municipal Police Station ang mga biktimang sina Lucia Quiñonez Namoc, 55-anyos, at asawa nitong si Leonito Cumahig Namoc, 58-anyos, parehong residente ng nasabing lugar na nakumpirmang namatay matapos kumain ng tinatawag na “telepono.”
Napag-alamang nadala pa sa magkahiwalay na bahay-pagamutan ang mga biktima bago binawian ng buhay.
Ayon naman kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Caraga Regional Director Visa Tan Demerin sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, ito ang dahilan kaya nagpalabas sila ng immediate advisory na nagba-ban sa pagkain ng lahat ng uri ng shellfishes mula sa Lianga Bay na nasasakop sa mga bayan mula sa San Agustin hanggang sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Ngunit nilinaw din ng opisyal na ligtas kainin ang mga isda basta’t hugasan lamang ng mabuti bago lutuin