CAGAYAN DE ORO CITY – Tadtad ng bala ang mister at pinagsasaksak naman ang asawa nito sa San Jose, Quezon, Bukidnon.

Kinilala ang mga biktima na sina Wilfredo at Marry Grace Amarillo na residente ng Brgy. Lilingayon, Valencia City sa naturang lalawigan.

Sinabi ni Quezon Municipal Police Station Commander PMaj. Mitchell Clemencio na unang dinukot ang dalawa ng hindi pa nakikilalang mga responsable at iniwan na lamang na lugar na wala ng buhay ang lalaki.

Habang makalipas ang ilang minuto ay namatay din ang babae dahil sa tinamo nitong mga saksak sa katawan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisiya ang insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at malaman ang motibo sa krimen.