-- Advertisements --
Tiyak na ang muling pag-upo ni Emmanuel Macron sa pagkapangulo ng France.
Ito ay dahil sa pagiging malinaw na pagkapanalo nito sa ikalawang round ng exit poll laban kay Marine Le Pen.
Base sa resulta na mayroong 58% na boto ang nakuha ni Macron habang 42 percent lamang kay Le Pen.
Dahil sa tagumpay ay nagdiwang ang mga supporters ni Macron sa pamamagitan ng pagsasagawa ng parada sa mga kalsada ng France.
Pinasalamatan ni Le Pen ang mga supporters nito at hindi maiwasan na ireklamo ang ginagawang maling taktika daw ni Macron sa halalan.