-- Advertisements --
Nagulat ang NBA sa bagong pangalan na nakakuha ngayon ng NBA Slam Dunk Contest.
Ito ay sa pamamagitan ng 24-anyos na si Mac McClung.
Nagsimula itong sumali sa dunk contest noong ito ay nasa Gate City High School sa Virginia at naging internet sensation kung saan mayroong mahigit 81,000 followers.
Taong 2018 ng sumali din ito sa Ball is Life All-American Dunk Contest at ito ay nagwagi na tinalo si Houston Rockets guard Kevin Porter Jr ganun din si Shareef O’Neal.
Naglaro siya ng preseason sa Golden State Warriors at pumirma ng isang laro sa Chicago Bulls noong Abril 2022.
Matapos nito ay kinuha siya ng Philadelphia 76ers sa kanilang G League.