-- Advertisements --

Nais ni Mayor Isko Moreno na sa lalong madaling panahon ay maisaayos na ang Manila Zoo.

Sa kanyang pag-inspeksiyon sa Manila Zoo, sinabi ni Moreno na hangad niyang maibalik ang mas magandang imahe ng naturang zoo na kinagisnan ng maraming mga kabataan sa Metro Manila sa mga nakalipas na panahon.

Aniya, nais niyang magkaroon ng bagong branding at packaging sa usapin ng pagsasaayos nito matapos itong tuluyang isara noong Enero.

Sa pakikipag-ugnayan niya sa Manila Zoo director, agad niyang aalamin ang problema ng zoo.

Sinabi ni Moreno na sa pagtutulungan ng pamahalaang lokal at ng pamunuan ng Manila Zoo ang pagsasaayos sa Manila Zoo.

Titiyakin na rin nilang makakamit ang environmental friendly at kids and family friendly ang pampublikong parke.

Nilinaw din ni Moreno, hanggat hindi sila nakakapag-comply sa panuntunan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa usapin ng kalinisan ng zoo, hindi nila ito bubuksan.

Ang naging kontribusyon sa pagdumi ng Manila Bay ang isa rin sa mga dahilan ng pagpapatigil ng operasyon ng Manila Zoo.