-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ni Mayor Oscar Moreno na nasa Cagayan de Oro City sina IATF (Inter Agency Task Force)-National Implementor Secretary Carlito Galvez at CORDS (Cabinet Officer for Regional Development and Security)-10 head Secretary Martin Andanar.

Ito ay upang suriin ang mga paghahanda ng lokal na pamahalaan para labanan ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Moreno, kabilang din sa titingnan ng dalawang kalihim ang dahilan kung bakit patuloy ang pagdami ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa lungsod.

Samantala, kinumpirma naman ni Department of Health-10 director Dr. Adrinao Suba-an na may gagawing “trainors training” ang contact tracing czar na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa kanilang lungsod din ngayong araw.

Layunin nito na patibayin pa ang pamamaraan ng local govt units at Philippine National Police para labanan ang coronavirus.

Napag-alaman na dalawang barangay na ang isinailalim ni Moreno sa lockdown dahil sa nangyaring tatlong local transmission ng deadli virus sa lungsod.

Kabilang sa isinailalim sa lockdown ang Sitio Macapaya , Sitio Sta Cruz sa Brgy Camaman-an at Zone 7,Carmen.