Tiniyak ni Marikina 2nd District Representative at senior vice chairman on Committee on Approriations Stella Marie Quimbo na magkakaroon ng swift approval para sa 2023 national budget.
Sa pagharap ni Rep. Quimbo sa mga miyembro ng media, sinabi nito na wala siyang nakikitang hadlang para hindi makayanan ang pagpasa sa national budget.
Sa katunayan, para matiyak ang timely approval ng budget, nagdeploy ang Komite ng maraming budget sponsors para sa nalalapit na deliberation.
Positibo ang Committee on Appropriations sa pangunguna ni Rep Rizaldy Co ng Ako Bicol Partylist na maipasa ito sa takdang oras.
Target aniya na matapos at pagtibayin ng Kamara ang proposed P5.268T budget sa September 30,2022.
Inaasahan din na isusumite ng executive ang 2023 National Expenditure Program (NEP) sa Kongreso sa darating na Aug. 22.
Nagsagawa naman ng paunang pulong ang House Committee on Appropriations kahapon bilang paghahanda sa nalalapit na 2023 budget deliberations.
Ayon naman kay BHW PartyLkist Rep. Angelica Natasha Co, vice chair ng komite, nagsagawa sila ng organizational meeting.
Bahagi ng pulong ang paglalatag ng timeline sa isasagawang budget hearings.
Wala pa naman aniyang anunsyo sa kung aling mga ahensya ang hahawakan ng bawat vice chair.
Ngunit hinati aniya sila sa grupo para sa kani-kanilang ‘assignments’ sa pag busisi ng ipinapanukalang pambansang pondo.