-- Advertisements --

Pinababantayan ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto sa Department of Agriculture (DA) ang presyo ng mga palay matapos ang naging hinaing ng mga magsasaka sa social media.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), aabot ng P17.64 ang average na persyo ng isang kilo ng palay pero ayon sa mga magsasaka ay naibebenta nila ang kanilang mga palay sa presyong P12.50.

Ayon sa senador, dapat ay alamin ng agriculture sdector kung saang mga lugar binebenta ang ganito kababang presyo ng palay at maglatag ng rekomendasyon upang hindi malugi ang mga magsasaka.

Di-hamak daw kasi na mas mura ang presyo ng binebentang palay kaysa sa presyoi ng face mask dahila upang hindi mabawi ng mga magsasaka ang kanilang puhunan.

Malaki rin aniya ang naging epekto ng lockdown at limitasyon sa transportasyon ng mga produkto kung bakit nagkaroon ng ganitong pangyayari.

Dagdag pa ng senador na ang kinikita ng mga magsasaka sa pagbebenta ng palay ay isa sa mga economic driver ng maraming rural economies.

Dahil dito ay dapat umanong pag-aralan ng DA kung hanggang saan ang apektadong imports ng mga farm prices upang makaisip ng paraan para tulungan ang mga ito.

Saad pa ng senador na kung hindi raw kaagad maaagapan ang ganitong sitwasyon ay baka maging plantito at plantitia na lamang ang mga rice farmers sa bansa dahil nakikita umano nila na mas mahal ang bentahan ng halaman kaysa sa palay.