Inaasahang magbebenipisyo ang mga consumers mula sa pag-reset ng power transmission rates ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Ang mga household na komokonsumo ng 200 kilowatt hours ay makakatipid ng hanggang P47.52 sa kanilang buwanang bill sa kuryente.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, vice chairman ng Senate committee on energy na ang reset sa power transmission rates na naantala sa loob ng 10 taon ay bahagyang makapagbibigay ng ginhawa sa mga consumers.
Una na kasing nagsagawa ng pagsisiyasat ang ERC sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) rates na nakikitang magreresulta sa mababang transmission rates base sa isang pag-aaral noong 2018 na kinomisyon ng National Transmission Corporation.
Magugunita rin na nauna ng sinabi ni ERC Chair Monalisa Dimalanta na ang initial figures point para sa mas mababang transmission rate ay applicable para sa fourth regulatory period.
Kung saan target aniya ng komisyon na makumpleto ngayong taon ang pag-review para sa fourth regulatory period mula 2016 hanggang 2022 upang ang epekto ng nasabing rate ay maramdaman ng mga consumers sa Enero 2023.
-- Advertisements --