-- Advertisements --
image 489

Binigyang-diin ng pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources(DENR) ang pangangailangan ng maayos na implementasyon ng proper waste management at water filtration system sa Kalayaan group of Islands sa West Philipine Sea.

Ang mga ito ay natukoy ng DENR matapos ang naging pagbisita kamakailan ng naturang ahensiya, kasama ang ilang mga esksperto ng bansa.

Ang naturang team ay pinangunahan ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga.

Ayon kay Sec Loyzaga, malaki ang pangangailangang makapagpatayo ng water filtration system sa naturang lugar upang matiyak na may sapat na supply ng malinis na tubig na magagamit ng mga residente.

Ang pangalawang rekomendasyon na maayos na waste management ay upang mapigilan aniya ang pagkasira ng naturang lugar, lalo na ang water contamination at tuluyang epekto nito sa buong karagatan.

Ayon sa kalihim, nakausap na rin niya ang mga resindente ng naturang isla at naibahagi ang dalawang nabanggit na inisyatiba.

Nangako naman ang DENR na tutulong ito sa Kalayaan Group of Islands para sa mas maayos na implementasyon ng dalawang proyekto, sa kabila ng nagpapatuloy na banta sa lugar, na bahagi ng pinag-aagawang karagatan.