-- Advertisements --
Muling isasalalim ng National Grid Corporation of the Philippines sa yellow alter ang Luzon grid ngayong araw.
Ito ay sa kadahilanang inaasahang papalo sa 12,048 megawatts ang available capacity NG kuryente sa Luzon grid pagsapit ng alas-7 ng gabi kung saan aabot naman sa 11,426 megawatts ang magiging peak demand nito.
Bukod dito ay iniulat din ng NGCP na nasa 22 power plants ang nag-forced outage HABANG ang iba naman ay patuloy ang operasyon ngunit nasa derated capacity.
Ibig sabihin ay nasa kabuuang 2,325.8 megawatts NG kuryente ang hindi available Sa Luzon grid.
Dahil dito ay isasalalim ng NGCP sa yellow alert ang Luzon grid mula alas-6pm hanggang alas-10pm ngayong araw bilang kaukulang measures para tugunan ito.